Ang
apoy, isang uri ng
kombustyon, ay isang
reaksyong kimikal, kinakasangkutan ng dalawa o higit pa na mga
kimikal kung saan handang magkaroon ng reaksyon ang mga
molekula sa bawat isa upang makabuo ng karadagang mga kimikal. Kadalasang kulay kahel, maiinit at mausok ito. Hindi katayuan ng
materya ang apoy: sa halip, ito ang proseso ng eksotermikong oksidasyon na kung saan binibigay ang enerhiya ng init at liwanag. Nagsisimula ang apoy kapag ang panggatong na may sapat na panustos ng
oksihena o ibang oksidiser ay nagkaroon ng sapat na init, at napapanatili sa proseso ng patuloy na pagpapalabas ng
enerhiya ng init, gayon din ang patuloy na panustos ng oksihena at panggatong na may kombustyon. Kadalasang pinasisimulan ang isang apoy ng isang palito ng posporo o layter na pinapalaganap ang ibang mga bagay na may kombustyon dahil dinisenyo ang mga palito ng posporo at mga layter na may mga materyal na may mababang puntos ng pagkasunog. Napapatay ang apoy kapag natanggal ang isa o higit na mga elemento ng init, oksidiser, o panggatong; ginagamit ang konsepto na ito sa tatsulok ng apoy. Tinatawag na abo ang mga natirang hindi nasusunog na solido.