Ang
apendisitis (Ingles:
appendicitis) ay ang sakit na kinatatangian ng pamamaga dahil sa impeksiyon ng
apendiks (apendise, na
appendix sa Ingles), na isang bahagi ng
bituka ng tao. Dahil sa pamamaga at impeksiyon, karaniwang kailangang sumailalim sa isang operasyon o
siruhiyang tinatawag na apendektomiya ang isang tao, kung saan tinatanggal ang apendiks. Bagaman may katungkulan ang apendiks na kaugnay ng
sistemang imyuno, maaaring alisin ang naimpeksiyong apendiks sapagkat magagawa ng sistemang imyuno ang tungkulin ng apendiks kahit natanggal na ito mula sa katawan ng tao.