ang
apendiks o
apendise, na tinatawag ding
beripormang apendiks,
apendiks ng sekum,
apendiseng pansekum, o
bermiks (kilala sa Ingles bilang
vermiform appendix,
cecal appendix,
caecal appendix, o
vermix) ay isang tubong walang butas ang isang dulo na nakaugnay sa
sekum (ang
cecum o
caecum sa Ingles, na tinatawag ding "
tokong" bagamang ang tokong ay pantawag din sa
duodenum), kung saan umuunlad ito mula sa
embriyo (bilig). Ang tokong ay isang kayariang parang supot ng kolon (
colon) o ng
malaking isaw). Ang apendiks ay nasa malapit sa pinagtagpuan o hugpungan (dugtungan) ng
maliit na bituka at ng
malaking bituka. Ang salitang "beriporme" o
vermiform ay nagbuhat sa
Latin na may kahulugang "hugis bulati", kaya't ang
beripormang apendiks" ay may kahulugang "hugis bulating apendiks".