Ang
dalubkatawan o
anatomiya (
Ingles:
anatomy; na galing sa salitang Griyegong
anatome, mula sa
ana-temnein na nangangahulugang
gupitin), ay ang isang sangay ng
biyolohiya na ukol sa istruktura ng katawan at uri ng organisasyon ng mga nabubuhay. Sa madaling sabi, ito ang "agham ng kayarian ng katawan". Mayroong anatomiyang panghayop, o
sootomiya, at anatomiyang panghalaman, o pitonomiya. Ang mga pangunahing parte ng dalubkatawan ay ang
anatomiyang hinambing at ang
anatomiya ng tao. Ang Anthropolohikal na anatomya o anatomiyang pisikal ay ang pagaaral at ang pagkumpara ng dalubkatawan ng mga ibaibang lahi ng tao (Caucasoid, Negroid, at Mongoloid).