Ang
alimasag (
Portunus pelagicus; Ingles:
crab [panlahat na katawagan],
blue crab o
spider crab) ay anumang hayop na pantubig (mga
crustacean, mula sa
suborder na
Brachyura) na may malapad ngunit sapad na katawan. Mas maliit ito kung ihahambing sa
alimango. Isang katangian din ng alimasag ang pagkakaroon ng mga mapuputi at nakakalat na mga tuldok sa ibabaw ng kaniyang matigas na balat. Nakatikom ang
tiyan nito sa ilalim ng kaniyang katawan. May sampung mga paa ang isang alimasag (kabilang ang dalawang sipit).