Sa
sikolohiya, ang
alaala,
ala-ala,
gunita, o
memorya ay ang kakayahan ng isang organismo na makapag-imbak o makapagtabi, makapagpanatili, at makapagpanumbalik muli ng
kabatiran at mga
karanasan. Ang tradisyunal na mga pag-aaral ng alaala ay nagsimula sa mga larangan ng
pilosopiya, kabilang ang mga teknika ng
mnemonic o artipisyal na pagpapainam ng memorya. Noong huli ng ika-19 at kaagahan ng ika-20 mga daantaon, inilagay ng mga siyentipiko ang alaala sa loob ng
paradigmo ng
sikolohiyang kognitibo. Naniniwala ang mga dalubhasa na ang alaala ay isang masalimuot na proseso sa kabuuan ng
utak na hindi lamang nagaganap sa isang tiyak na rehiyon ng utak. Ang proseso ng memorya ay nagsisimula sa pag-eenkodigo, na nagpapatuloy sa pagtatago o pag-iimbak, at hahantong sa muling pagpapabalik o muling pagkuha. Sa kamakailang mga dekada, ito ay naging isa sa pangunahing mga haligi ng isang sangay ng agham na tinatawag na neurosiyensiyang kognitibo, isang interdisiplinaryong kawing o ugnay sa pagitan ng sikolohiyang kognitibo at
neurosiyensiya.