Ang
Ukranya (Ingles:
Ukraine /yuk·reyn/,
Ukranyano: Україна,
Ukrayina) ay isang bansa sa
Silangang Europa. Napapaligiran ito ng
Rusya sa hilaga-silangan,
Biyelorusya sa hilaga,
Polonya,
Eslobakya at
Unggarya sa kanluran,
Rumanya at
Moldabya sa timog-kanluran at ang
Dagat Itim sa timog. Naging sentro ang teritoryo ng kasalukuyang Ukraine ng kulturang Silangang Slabiko noong
Gitnang Panahon, bago nahati ng mga iba't ibang kapangyarihan, kabilang ang
Rusya,
Polonya,
Litwanya,
Austrya,
Rumanya at ang
Imperyong Otoman. Natapos ang maikling panahon ng kalayaan at napasama sa
Unyong Sobyet pagkatapos ng
Rebolusyong Ruso ng 1917 at natatag lamang noong
1954 ang kasalukuyang hangganan ng republika. Naging malaya uli pagkatapos ng pagbagsak ng Unyong Sobyet noong
1991.