Ang
Triasiko (Ingles:
Triassic) ay isang panahong heolohiko na sumasaklaw mula . Ito ang unang panahon ng erang Mesozoiko at nasa pagitan ng mga panahong
Permiyano at
Hurasiko. Ang parehong simula at huli nang panahong ito ay minarkahan ng malaking mga pangyayaring ekstinksiyon. Ang Triasiko (Triassic) ay pinangalanan noong 1834 ni Friedrich Von Alberti sa tatlong mga natatanging mga patong ng bato na natagpuan sa buong
Alemanya at mga kamang pula ng hilagang kanlurang Europa, na tinatakpan ng chalk na sinundan ng mga itim na shale na tinatawag na mga 'Trias'. Ang panahong ito ay nagsimula kasunod ng pangyayariang ekstinksiyon na Permiyano-Triasiko na nag-iwan sa biospero ng daigdig na ubos. Umabot sa gitna ng panahong ito upang mapabalik ng buhay ang dati nitong dibersidad. Ang mga therapsido at mga
arkosauro ang mga pangunahing bertebratang pang-lupain sa panahong ito. Ang isang espesyalisadong subgrupo ng mga arkosauro na mga
dinosauro ay unang lumitaw sa gitnang Triassiko ngunit hindi nanaig hanggang sa sumunod na panahong
Hurasiko. Ang unang totoong mga
mamalya ay nag-
ebolb rin sa panahong ito gayundin ang mga unang lumilipad na mga bertebrato na mga ptesauro. Ang malawak na superkontinenteng
Pangaea ay umiral hanggang sa gitnang Triassiko kung saan pagkatapos nito ay unti unti nahiwalay sa dalawang mga masa ng lupain na
Laurasia at hilaga at
Gondwana sa timog. Ang pandaigdigang klima sa panahong ito ay halos mainit at tuyo na ang mga disyerto ay sumasaklaw sa karamihan ng loob ng Pangaea. Gayunpaman, ang klima ay lumipat at naging mas mahalumigmig habang ang Pangaea ay nagsimulang mahiwalay. Ang huli nang panahong ito ay minarkahan ng isa pang pangyayaring ekstinksiyon na Triasiko-Hurassiko na lumipol sa maraming mga pangkat at pumayag sa mga dinosauro na manaig sa panahong
Hurassiko.