Ang
sukdulan o
kasukdulan ay ang rurok o kalubusang nadarama ng mga
nagtatalik o magkasiping sa proseso ng
pagtatalik. Nagaganap ito kapag
nilabasan o nagpulandit na ang
titi ng
lalaki ng
punlay o
tamod, at kapag nakaranas naman ang isang
babae ng pamamasa ng
ari kapag
nilalabasan ito. Tinatawag din itong
orgasmo. Nilalarawan ang kaganapang ito bilang panahon ng "matinding kaligayahan at pagkaraos" na nararamdaman sa kasagsagan, karurukan, o kulminasyon ng pakikipagtalik. Nagaganap din ang pagdating sa sukdulang ito sa
masturbasyon.