Ang
Siluriyano(Ingles:
Silurian) ay isang panahong heolohiko na sumasakop mula . Gaya sa ibang mga panahong heolohiko, ang mga kama ng bato na naglalarawan ng simula at huli ng panahong ito ay mahusay na natukoy ngunit ang mga eksaktong petsa ay hindi matiyak ng ilang mga milyong taon. Ang base ng Siluriyano ay inilagay sa isang pangunahing pangyayaring ekstinksiyon nang ang 60% ng mga espesyeng pang-dagat ay nalipol. Ang isang malaking pangyayari sa
ebolusyon sa panahong Siluriyano ang paglitaw ng mga may panga at mabutong mga
isda. Ang buhay ay nagsimula ring lumitaw sa lupain sa anyo ng maliit, tulad ng
lumot na mga halamang baskular na lumago sa tabi ng mga lawa, batis, at mga baybayin. Gayunpaman, ang buhay pang-lupain ay hindi pa labis na sumasailalim sa dibersipikasyon at umaapekto sa lupain hanggang sa panahong
Deboniyano.