Ang
Prekambriyano (Ingles:
Precambrian o
Pre-Cambrian) ay tumutukoy sa malaking saklaw ng panahon sa
kasaysayan ng daigdig bago ang kasalukuyang eon na
panerosoiko at isang supereon na hinati sa ilang mga eon ng iskalang panahon na heolohiko. Ito ay sumasaklaw mula sa pagkakabuo ng
daigdig mga 4.570 bilyong taon ang nakalilipas hanggang sa pagsisimula ng panahong
Kambriyano mga 542 milyong taon ang nakalilipas nang ang mga makrosokopikong may matigas na shell na mga hayo ay unang lumitaw sa kasaganaan. Ang Prekambriyano ay pinangalang ito dahil ito ay nauna sa
Kambriyano na unang panahon ng eon na paneosoiko na ipinangalan sa
Cambrian na klasikong pangalan ng
Wales. Ang Prekambriyano ay bumubuo ng 88% ng panahong heolohiko ng daigdig.