- Tungkol ang sa pobya na isang walang kadahilanang takot. Para sa "takot" na pangkalahatan, tingnan ang Takot.
Ang
pobya (
Ingles: phobia, mula sa
Griyegong salitang φόβος "Phobos" na nangangahulugang
Takot) ay ang walang kadahilanan, matindi at palagiang takot sa mga ilang sitwasyon, bagay, aktibidad o
tao. Ang labis at walang kadahilanang pagnanasa sa pag-iwas sa kinakatakutan ang pangunahing sintomas ng sakit na ito. Kapag hindi na mapigil ng isang indibidwal ang kanyang
takot, o kung nakakasagabal na sa pang-araw-araw na buhay, maaaring magkaroon ng diagnostiko sa ilalim ng isa sa mga
sakit ng pagkabalisa (
anxiety disorders).