Ang
Permiyano (Ingles:
Permian) ay isang panahong heolohiko at sistema na sumasaklaw mula . Ito ang huling panahon ng erang Paleosoiko at sumunod sa panahong
Karboniperoso at nauna sa panahong
Triassiko. Ito ay unang ipinakilala noong 1841 ng heologong si Sir Roderick Murchison at ito ipinangalan sa
Perm Krai sa
Russia kung saan ang mga
strata(patong ng bato) mula sa panahong ito ay orihinal na natagpuan. Ang panahong ito ay nakasaksi ng dibersipikasyon ng mga sinaunang
amniote tungo sa mga pang-ninunong mga pangkat ng mga
mamalya,
pagong, lepidosauro at mga
arkosauro. Ang daigdig sa panahong ito ay pinananaigan ng superkontinenteng
Pangaea na pinalibutan ng isang pandaigdigang karagatan na
Panthalassa. Ang malawak na mga ulanggubat(rainforest) ng panahong ito ay naglaho na nag-iwan ng malalawak na mga rehiyon ng
disyertong tuyo sa loob ng panloob na kontinental. Ang mga
reptilya na nakaya ang mga mas tuyong kondisyong ito ay nanaig kapalit ng mga ninuno nitong mga
ampibyano. Ang panahong Permiyano kasama ng erang Paleozoiko ay nagwakas sa pinakamalaking ekstinksiyong pang-masa sa kasaysayan ng daigdig kung saan ang halos 90% ng mga espesyeng pang-dagat at 70% ng mga espesyeng pang-lupain ay namatay.