Ang
Pennsylvaniyano o
Pennsylvanian ang panahong heolohiko na mas bata o mas huli sa panahong
Karboniperoso. Ito ay tumagal mula tinatayang . Gaya ng karamihan ng ibang mga unit na heolohiko, ang mga kama ng bato o strata na naglalarawan sa Pennsylvaniyano ay mahusay na natukoy ngunit ang eksaktong petsa ng simula at wakas nito ay hindi matiyak ng ilang mga milyong taon. Ito ay ipinangalan sa estado ng Estados Unidos na
Pennsylvania kung saan ang mga bato ng panahong ito ay malawak. Ang dibisyon sa pagitan ng Pennsylvaniyano at
Mississippiyano ay nagmula sa stratigrapiya ng Hilagang Amerika. Sa Hilagang Amerika kung saan ang simulang mga kamang bato ng panahong
Karboniperoso ay pangunahing mga batong apog na pang-dagat, ang Pennsylvaniayno ay nakaraang trinato bilang isang buong panahong heolohiko sa pagitan ng
Mississippiyano at
Permiyano. Sa
Europa, ang Pennsylvaniyano at Mississipiyano ay higit kumulang na tuloy tuloy na sunod sunod na mababang lupaing pang-kontinenteng mga deposito at magkasamang ipinangkat bilang panahong
Karboniperoso.