Ang
Era na Paleosoiko(mula Griyegong
palaios (παλαιός), "matanda" at
zoe (ζωή), "buhay", na nangangahulugang "sinaunang buhay") ang pinakauna sa mga erang heolohiko na sumasaklaw mula tinatayang (ICS, 2004). Ito ang pinakamahabang ng mga era na
Panerosoiko at nahahati sa mga anim na panahon mula pinakamatandang hanggang pinakabata: ang
Kambriyano,
Ordobisiyano,
Siluriyano,
Deboniyano,
Karboniperoso at
Permiyano. Ang Paleosoiko ay sumunod sa
Neoproterosoiko ng eon na
Proterosoiko at sinundan ng erang
Mesosoiko. Ang Paleosoiko ay isang panahon ng dramatikong heolohikal, klimatiko at
ebolusyonaryong pagbabago. Ang panahong
Kambriyano ay nakasaksi ng pinaka mabilis at malawak na dibersipikasyon ng buhay sa kasaysayan ng daigdig na tinatawag na pagsabog na Kambriyano kung saan ang modernong
phyla ay unang lumitaw. Ang mga
isda, artropoda, mga
ampibyano at mga
reptilya ay lahat nag-
ebolb sa panahong Paleosoiko. Ang buhay ay nagsimula sa
karagatan ngunit kalaunan ay lumipat sa lupain at sa huling Paleosoiko, ito ay pinananaigan na ng iba't ibang mga anyo ng organismo. Ang mga malalaking mga gubat ng mga primitibong(sinaunang) mga
halaman ay tumakip sa mga kontinente na ang karamihan ay nabuo sa mga kamang
coal ng Europa at silanganing
Hilagang Amerika. Tungo sa huli ng erang ito, ang malalaki at sopistikadong mga
reptilya ay nanaig at ang unang modernong mga halaman na mga konipero ay lumitaw. Ang erang Paleosoiko ay nagwakas sa isang pinakamalaking ekstinksiyong pang-masa sa kasaysayan ng daigdig na pangyayaring ekstinksiyong Permiyano-Triasiko. Ang mga epekto ng katastropiyang ito ay nakapipinsala na ang buhay sa lupain ay tumagal nang mga 30 milyong tungo sa erang
Mesosoiko upang makapanumbalik. Ang pagpapanumbalik sa buhay na dagat ay maaaring naging mas mabilis.