Ang
pagkalumpo o
paralisis (Ingles:
paralysis,
palsy) ay ang kawalan ng kakayahang gumalaw ng
laman o pangkat ng mga
masel ng katawan o bahagi nito. Sa ganitong kalagayan, nagkakaroon ng panghihina, pamamanhid, o pangingimay ang katawan o apektadong bahagi ng katawan, kaya't nawawalan ang kapangyarihang kumilos o nauudlot ang pagkilos. Tinatawag na
paralitiko (lalaki) o
paralitika,
salanta,
baldado,
lumpo ang isang
taong lumpo. Tinaguriang
paralisado at
pagkaparalisa ang katayuan ng pagkakaroon ng paralisis.