Ang
paghihiganti ay isang nakasasalanta o nakakapinsalang kilos laban sa isang tao o pangkat bilang pagtugon sa isang daing o karaingan, reklamo, pagdaramdam, o sama ng loob, totoo man ito o iniisip lamang. Maaari itong ilarawan bilang isang anyo ng katarungan, isang galaw na altruwistiko na nagpapatupad ng katarungang panlipunan o pangmoralidad bukod pa sa sistemang pambatas. Inilarawan ito ni
Francis Bacon bilang isang uri ng "marahas na katarungan" (
wild justice sa Ingles). Sa
mitolohiyang Griyego, ang kumakatawan sa "banal na paghihiganti" ay si
Nemesis.