Ang
Ordobisyano (Ingles:
Ordovician) ay isang panahong heolohiko na ikalawa sa anim na mga erang Paleozoiko at sumasakop sa panahon sa pagitan ng . Ito ay sumusunod sa panahong
Kambriyano at sinundan ng panahong
Siluriyano. Ang Ordobisiyano na ipinangalan sa tribong
Celtikong Ordovices ay inilarawan ni Charles Lapworth noong 1879 upang lutasin ang isang alitan sa pagitan ng mga tagasunod ni Adam Sedgwick at Roderick Murchison na naglagay ng parehong mga kama ng bato sa hilagang Wales sa mga respektibong panahong
Kambriyano at
Siluriyano. Sa pagkilala ni Lapworth na ang mga
fossil fauna sa tinutulang
strata ay iba sa mga nasa panahong Kambriyano o Siluriyano, kanyang natanto na ang mga ito ay dapat ilagay sa isang panahon sa sarili nito. Bagaman ang pagkilala sa natatanging panahong Ordobisiyano ay mabagal sa
Nagkakaisang Kaharian, ang ibang mga area ng daigdig ay mabilis na tumanggap rito. Ito ay tumanggap ng sanksiyong internasyonal noong 1960 nang ito ay tanggapin bilang opisyal na panahon ng Erang Paleozoiko ng International Geological Congress. Ang buhay ay nagpatuloy na yumabong sa panahong Ordobisiyano gaya ng nangyari sa Kambriyano bagaman ang huli nang panahong ito ay minarkahan ng ektinksiyong Ordobisiyano-Siluriyano(malaking ekstinksiyong pang-masa). Ang mga inberterbrado na pinangalanang mga
arthropod at
molluska ay nanaig sa mga karagatan sa panahong ito. Ang
isda na unang tunay na
bertebrata ay patuloy na nag-
ebolb at ang mga bertebratang may panga ay maaaring unang lumitaw sa huli nang panahong ito. Ang buhay ay hindi pa sumasailalim sa dibersipikasyon sa lupain.