Ang
Kaharian ng Norway (
Kaharian ng Noruwega) ay isang bansang Nordiko sa kanlurang bahagi ng
Tangway ng Escandinavia na hinahanggan ng
Sweden,
Finland, at
Rusya, at na may
territorial waters na hinaganggan ng
waters ng
Denmark at ng
UK. May anyo itong pahaba at may ekstensibong baybayin katabi ng
Karagatang Atlantiko kung saan napaparoon ang mga tanyag na fyord ng Norway. Napapasailalim din sa soberaniya ng Norway ang mga teritoryo ng
Svalbard at Jan Mayen, na bahagi din ng Kaharian, at ang
dependencies ng Isla Bouvet sa timog Karagatang Atlantiko at ang Isla Peter I sa timog
Karagatang Pasipiko, na hindi bahagi ng Kaharian. Meron ding pag-aangkin ang Norway sa Dronning Maud Land sa
Antarctica.