Ang
Neohene (Ingles:
Neogene) ay isang panahong heolohiko na sumasaklaw sa . Ito ay sumunod sa
Paleogene at sinundan ng
Kwaternaryo. Ang Neogene ay hinahati sa dalawang mga epoch: ang mas maagang
Miocene at ang kalaunang
Pliocene. Ang Neogene ay sumasaklaw sa mga 23 milyong taon. Sa panahong ito, ang mga
mamalya at mga
ibon ay patuloy na nag-
ebolb sa tinatayang mga modernong anyo nito, samantalang ang ibang mga pangkat ng buhay ay nanatiling relatibong hindi nagbago. Ang mga sinaunang
hominid na mga ninuno ng mga modernong
tao ay lumitaw sa
Aprika. Ang ilang mga paggalaw kontinental ay nangyari na ang pinaka mahalagang pangyayari ang koneksiyon ng Hilagang Amerika at Timog Amerika sa Isthmus ng Panama sa huli nang Pliocene. Ito ay pumutol sa mga daloy ng karagatan sa pagitan ng Karagatang Atlantiko at Karagatang Pasipiko na nagsanhi ng mga pagbabago sa klima at lumikha ng daloy Gulpo. Ang klima ng daigdig ay labis na lumamig sa kurso ng Neogene na humantong sa isang serye ng mga glasiasyong kontinental sa panahong
Kwaternaryo na sumunod.