Ang
Republika ng Moldova o
Republika ng Moldoba (Moldavia;
internasyunal o konbensyunal na mahabang anyo sa Ingles:
Republic of Moldova; konbensyunal na maikling anyo:
Moldoba o
Moldova), opisyal na lokal na mahabang anyo o nasa wikang Moldobano:
Republica Moldova) ay isang bansang walang pampang o bansang napapaligiran ng ibang mga lupaing hindi nito sakop sa
Silangang Europa, at nakalagay sa pagitan ng
Romanya sa kanluran at
Ukranya sa hilaga, silangan at timog. Ipinahayag nito ang sarili bilang isang estadong nagsasarili na may kaparehong mga hangganang katulad ng sa Moldobanong SSR noong 1991, bilang bahagi ng paglalansag ng
Unyong Sobyet. Isang piraso ng pandaigdigang kinikilalang teritoryo ng Moldoba sa silangang pampang ng Ilog Dniester ay napailalim sa kontrol na
de facto ng tumiwalag na pamahalaan ng
Transnistria magmula pa noong 1990.