Ang
Mississippiyano o
Mississippian ay isang pang-ilalim na panahon sa panahong heolohiko na
Karboniperoso. Ito ang pinaka-maaga o pinaka-mababa sa Karboniperoso na tumagal mula mga 359 hanggang 318 milyong taon ang nakalilipas. Gaya ng ibang mga heokronolohikong mga unit, ang mga kama ng bato o strata na naglalarawan ng Mississipiyano ay mauhsay na natukoy ngunit ang eksaktong simula at wakas nito ay hindi matiyak ng ilang mga milyong taon. Ito ay ipinangalan sa Ilog
Mississippi kung saan ang mga bato na may edad ng panahong ito ay nalantad. Sa Hilagang Amerika kung saan ang interbal ay pangunahing binubuo ng mga batong apog na pang-dagat, ito ay nakaraang trinato bilang buong heolohiko sa pagitan ng
Deboniyano at
Pennsylvaniyano. Sa Europa, ang Mississippiyano at Pennsylvaniyano ay higit kumulang na tuloy tuloy na sunod sunod na mga mababang lupan na pang kontinenteng deposito at magkasamang ipinangkat bilang Karboniperoso at minsang tinatawag na Itaas na Karboniperoso at Mababang Karboniperoso. Sa panahong Mississippiyano, ang yugto ng oreheniya ay nangyari sa mga Kabundukang Appalachian.