Ang
Era na Mesosoiko ay isang interbal ng panahong heolohiko mula mga 250 milyong taon ang nakalilipas hanggang mga 65 milyong taon ang nakalilipas. Ito ay kadalasang tinutukoy bilang
Panahon ng mga Reptilya dahil ang mga
reptilya na mga
dinosauro ang mga nananaig na mga berterbratang pang-lupain at pang-tubig ng panahong ito. Ang erang ito ay nagsimula kasunod ng pangyayaring Permiyano-Triasiko na pinakamalaking ekstinksiyong pang-masa sa kasaysayan ng daigdig at isa pang ekstinksiyong pang-masa na kilala sa pagpapatay sa mga hindi-ibong mga
dinosauro gayundin ang ibang mga
halaman at mga espesye ng hayo. Ang
mesosoiko ay nangangahulugang "gitnang buhay" mula s Griyegong panlapi na
meso-/
μεσο- na nangangahulugang "gitna" at
zōon/
ζωον na nangangahulugang "hayop". Ito ang isa sa mga eron na
Phanerosoiko na pinangunahan ng
Paleosoiko("sinaunang buhay") at sinundan ng Cenozoiko("bagong buhay"). Ang erang ito ay hinahati sa tatlong mga pangunahing panahon: Ang
Triasiko, ang
Hurassiko at ang
Kretaseyoso na karagdagan pang hinati sa ilang mga yugto at epoch. Ang panahong Mesososiko ay isang panahong ng mahalagang
tektonikang plato, klima at
ebolusyonaryo. Ang erang ito ay nakasaki ng unti-unting paghahati ng superkontinenteng
Pangaea sa magkakahiwalay na mga masa ng lupain na kalaunan ay lumipat sa mga kasalukuyang posisyon nito. Ang klima ng Mesosoiko ay iba iba na naghahalinhan sa pagitan ng katamtamang pag-i init at paglalamig. Gayunpaman, ang daigdig sa panahong ito ay mas mainit kesa sa kasalukuyang panahon. Ang mga hindi ibong
dinosauro ay lumitaw sa Gitnang
Triasiko at naging nananaig na mga
bertebratang pang-lupain sa simula nang
Hurassiko at sumakop ng posisyong ito sa loob ng mga 135 milyong taon hanggang sa pagkamatay ng mga ito sa wakas ng
Kretasyoso. Ang mga
ibon ay unang lumitaw sa
Hurassiko na nag-
ebolb mula sa isang sanga ng mga dinosaurong
theropoda. Ang unang mga
mamalya ay lumitaw rin sa panahong Mesosoiko ngunit nanatiling maliit at katamtaman hanggang sa era na Cenosoiko.