Sa
mitolohiyang Griyego, si
Menelaus o
Menelaos (,
Menelaos) ay naging hari ng Misenong Doryanong
Isparta, na asawa ni
Helen ng Troya, at naging isang pangunahing tao sa
Digmaan sa Troya. Siya ang anak na lalaki nina
Atreus at Aerope, na kapatid na lalaki ni
Agamemnon na hari ng
Misenas; at, ayon sa
Iliada, ay pinuno ng pangkat na Ispartano ng hukbong Griyego noong panahon ng nasabing digmaan. Bantog sa kapwa
Iliada at
Odisea, tanyag din si Menelaus na ipinipinta sa ibabaw ng mga plorerang Griyego at ipinapalabas na dula ng trahedyang Griyego; na sa trahedyang Griyego ay mas inilalarawan bilang bayani ng Digmaang sa Troya kaysa sa pagiging isang kasapi ng pabagsak nang Sambahayan o Angkan ni Atreus.