Ang
Mga Nagkakaisang Estado ng Mehiko , na mas kilala bilang
Mehiko ay isang bansa sa
Hilagang Amerika na hinahanggan sa hilaga ng
Estados Unidos ng Amerika at sa timog-silangan ng
Guwatemala,
Belis at
Dagat ng Karibe; at sa silangan ng ng Look ng Mehiko. Sumasakop ang Mehiko ng mahigit sa 2 milyon kilometro parisukat (mahigit 760,000 sq mi), kaya ito ang naging ika-limang pinakamalaking bansa sa
Amerika ayon sa kabuuang sukat nito, at ika-14 sa buong mundo. May tinatayang 111 milyon ang populasyon nito,, kaya ito ang ika-11 pinakamataong bansang sa buong mundo, at pinamalaking bansa na nagsasalita ng Espanyol. Ang Mehiko ay isang bansang pederal na binubuo ng tatlongpu't isang mga estado at isang Distritong Pederal, ang
Lungsod ng Mehiko, na nagsisilbi ding bilang kabiserang lungsod.