Ang
Marcionismo ay isang sinaunang Kristiyanong dualistang paniniwala na nagmula sa mga katuruan ni
Marcion ng Sinope sa
Roma noong mga taong 144 CE. Si Marcion ay naniniwalang si
Hesus ay isang
mesiyas na ipinadala ng
diyos at si
Apostol Pablo ang kanyang hepeng
apostol ngunit kanyang itinakwil ang
Lumang Tipan(o Tanakh) at ang diyos ng Israel na si
Yahweh(o Elohim). Ang mga Marcionista ay naniniwalang ang mapaghiganting diyos ng mga Israelita ay isang hiwalay at mababang entidad kesa sa mapagpatawad na diyos ng
Bagong Tipan. Ang paniniwalang ito ay katulad ng mga katuruan ng
Gnostisismo sa paraang ang mga ito ay dualistiko. Ang Marcionismo tulad ng
Gnostisismo ay naglarawan sa diyos ng mga Israelita sa Lumang Tipan bilang isang malupit o demiurge at si Marcion ay tinawag na gnostiko ni
Eusebius. Ang
kanon ni Marcion ay binubuo ng labing isang(11) mga aklat na binubuo ng sampung(10) mga seksiyon sa
Ebanghelyo ni Lucas na binago ni Marcion at ang sampung mga epistula ni
Pablo. Ang ibang mga aklat sa
Bagong Tipan ay itinakwil ni Marcion. Ang mga sulat ni Pablo ay nagtamasa ng mahalagang posisyon sa kanon ng sektang Marcionismo dahil naniniwala silang si Pablo ang tamang naghatid ng unibersalidad ng mensahe ni
Hesus. Ang ibang mga epistula o aklat sa Bagong Tipan ay itinakwil ng mga tagasunod nito dahil ang mga ito ay tila nagmumungkahing si Hesus ay nagtatag lamang ng isang bagong sekta sa loob ng
Hudaismo.