Ang panahong Kwaternaryo (Ingles:
Quaternary) ang pinaka-kamakailan sa tatlong mga panahon ng era na Cenozoiko. Ito ay sumusunod sa panahong
Neogene at sumasaklaw mula 2.588 ± 0.005 milyong taon ang nakalilipas hanggang sa kasalukuyan. Ang relatibong maikling panahong ito ay inilalarawan ng isang serye ng mga glasiasyon, ang paglitaw at paglaganap ng
anatomikong modernong mga tao at ang patuloy na epekto ng mga ito sa natural na daigdig. Ang Kwaternaryo ay kinabibilangan ng dalawang mga epoch na heolohiko: ang
Pleistocene at ang Holocene. Ang isa pang iminungkahi ngunit hindi pa pormal na epoch ang Anthropocene na nagkamit ng kredensiya bilang panahon na ang mga tao ay malalim na umapekto at nagbago ng kapaligirang pangdaigdig bagaman ang simulang petsa nito ay pinagtatalunan pa rin.