Ang
Kretaseyoso (Ingles:
Cretaceous) (, ), na hinango mula sa
Latin na "creta" (chalk), na karaniwang pinaikling
K para sa saling
Aleman nitong
Kreide (chalk) ay isang panahong heolohiko mula . Ito ay sumusunod sa panahong
Hurasiko at sinundan ng panahong
Paleohene. Ito ang huling panahong ng
era na Mesosoiko at sumasaklaw sa 80 milyong mga taon na pinakamahabang panahon ng
era na Panerosoiko. Ito ay isang panahon ng relatibong mainit na klima na nagresulta sa isang mataas na mga lebel ng dagat na eustatiko at lumikha ng maraming mga mababaw na mga dagat na panloob ng lupain. Ang mga karagatan at dagat na ito ay napuno ng ngayong
ekstinkt na mga
reptilyang pang-dagat, mga ammonita, at mga rudista samantalang ang mga
dinosauro ay nagpatuloy na manaig sa lupain. Sa parehong panahon, ang mga bagong pangkat ng mga
mamalya at mga
ibon gayundin ang mga namumulaklak na mga halaman ay lumitaw. Ang Kretaseyoso ay nagwakas sa isang malaking ekstinksiyong pang-masa na pangyayaring ekstinksiyong na Kretaseyoso-Paleoheene kung saan ang maraming mga pangkat kabilang ang mga hindi-ibon na
dinosauro, mga
pterosauro at malalaking mga reptilyang pang-dagat ay namatay. Ang huli nang Kretaseyoso ay inilalarawan ng hangganang K-Pg na isang lagdang heolohiko na nauugnay sa ekstinksiyong pang-masa na nasa pagitan ng mga era na Mesosoiko at Cenosoiko.