Ang
kosmolohiya, mula sa Ingles na
cosmology, na hinango naman sa
Griyegong
cosmologia: κόσμος (
cosmos, o kosmos)
sanlibutan + λόγος (
logos) (
pag-aaral, salita, dahilan, plano) ay ang pag-aaral ng
sanlibutan sa kaniyang kabuoan, at bilang pagpapalawak, ang kinalalagyan ng
sangkatauhan sa loob nito. Isa itong pagaaral na tumatalakay sa pinagmulan, balangkas at mga likas na pangyayari sa sansinukob o uniberso. Bagaman kamakailan lamang ang salitang
kosmolohiya (unang ginamit noong
1730 sa
Cosmologia Generalis ni Christian Wolff), mayroon nang mahabang kasaysayan ang pag-aaral ng
uniberso na kinabubukluran ng
agham,
pilosopiya, esoterisismo, at
pananampalataya. Tinatawag na
kosmologo o
kosmolohista ang mga dalubhasa sa kosmolohiya.