Ang
Karboniperoso (Ingles:
Carboniferous)ay isang panahong heolohiko na sumasakop mula }. Ang pangalang
Carboniferous na nangangahulugang nagdadala ng coal ay inimbento ng mga heologong sina William Conybeare at William Phillips noong 1822. Batay sa isang pag-aaral ng pagkakasunod sunod ng bato ng Britanya, ito ang una sa mga modernong pangalan ng sistema na ginamit at rumireplekta sa katotohanang maraming mga kama ng
coal ay pandaigdigang nabuo sa panahong ito. Ang Karboniperoso ay kadalasang tinatrato sa Hilagang Amerika bilang dalawang mga panahong heolohiko: ang mas naunang
Mississippiyano(
Mississippian) at ang
Pennsylvaniyano(
Pennsylvanian). Ang buhay pang-lupain ay mahusay na nailagay sa panahong Karboniperoso. Ang mga
ampibyano ang mga nananaig na mga
bertebrata ng lupain kung saan ang isang sangay nito ay kalaunang nag-
ebolb sa mga
reptilya na unang buong mga bertebratang pang-lupain. Ang mga
arthropod ay labis na karaniwan rin sa panahong ito at marami sa mga ito(gaya ng meganeura) ay mas malaki kesa sa makikita sa kasalukuyang panahon. Ang malalawak na kagubatan ay tumakip sa lupain na kalaunan ay nahimlay at naging mga kamang coal na natatanging katangian ng sistemang karboniperoso. Ang isang maliit na pangyayaring ekstinksiyon sa dagat at lupain ay nangyari sa gitna nang panahong ito na sanhi ng pagbabago sa
klima. Ang huling kalahati ng panahong ito ay nakaranas ng mga glasiasyon, mababang lebel ng dagat at pagtatayo ng mga
bundok habang ang mga kontinente ay nagbabanggaan upang bumuo ng
Pangaea.