Ang
Kambriyano (Ingles:
Cambrian) ay ang unang panahong heolohiko ng panahong Paleozoiko na tumagal mula milyong taon ang nakalilipas(
million years ago o
mya) . Ito ay sinundan ng Ordoviciano. Ang mga subdibisyon nito at base ay medyo pabago bago. Ang yugtong ito ay inilatag ni Adam Sedgwick na nagpangalan nito sa Cambria na pangalang Latin ng
Wales kung saan ang mga batong Cambrian sa Britanya ay pinakamahusay na nalantad. Ang Cambrian ay walang katulad sa hindi karaniwang mataas na proporsiyon nito ng lagerstätten. Ito ang mga lugar ng hindi ordinaryong pag-iingat kung saan ang mga bahaging malambot ng mga organismo ay naingatan rin gayundin ang mga mas resistante nitong mga shell. Ito ay nangangahulugang ang ating pagkaunawa ng biolohiyang Cambrian ay lumalagpas sa mga kalaunang panahon. Ang panahong Cambrian ay minarkahan ng isang malalim na pagbabago sa buhay sa mundo. Bago ang panahong Cambrian, ang mga buhay na organismo sa kabuuan ay maliit, uniselular (isang selula) at simple. Ang mga komplikadong mga organismong multiselular (maraming selula) ay unti unting naging mas karaniwan sa mga milyong taon na agarang naunang panahon sa Cambrian at hanggang sa panahong Cambrian lamang nang ang mga mineralisado at kaya ang handang ma-
fossilisang mga organismo ay naging karaniwan. Ang mabilis na pagdami ng mga anyo ng buhay sa panahong Cambrian at tinatawag na pagsabog na Cambrian na lumikha ng mga unang representatibo ng maraming mga modernong
phyla na kumakatawan sa mga tangkay ng mga modernong pangkat ng mga espesyeng gaya ng mga
arthropod. Bagaman ang iba ibang mga anyo ng buhay ay yumabong sa mga
karagatan, ang lupain ay maihahambing na tigang at hindi mas komplikado kesa sa isang
mikrobyal na patong ng lupa at ilang mga anyo ng buhay na maliwanag na lumitaw upang manginain sa mga materyal na mikrobyal. Ang karamihan sa mga
kontinente ay malamang tuyo sanhi ng kawalan ng mga halaman. Iginilid ng mga mababaw na dagat ang mga hangganan ng ilang mga kontinente na nalikha sa paghahati ng superkontinenteng
Pannotia. Ang mga dagat ay relatibong mainit at ang yelong polar(
polar ice) ay hindi umiral sa karamihan ng panahong ito. Ang Estados Unidos ay gumagamit ng may barang kapital na karakter na C upang ikatawan ang Panahong Cambrian.