Ang
Republika ng Islandia,
Republika ng Lupangyelo o
Republika ng Aisland (Aislandiko:
Lýðveldið Ísland;
internasyunal:
Republic of Iceland) ay isang pulong bansa sa kanlurang
Karagatang Atlantiko sa pagitan ng
Lupanglunti,
Noruwega, at ng
Kapuluang Britaniko. Isa itong
bansa sa
Europa, na nasa hilaga ng
Karagatang Atlantiko. Nasa silangan ito ng Lupanglunti na 300 kilometro ang layo at 1000 kilometro pakanluran mula sa Noruwega. Mayroong itong 39,769 milya kuwadradong lawak na sakop. Nasa pagitan ang Europeanong bansang ito ng
Hilagang Amerika at ng
kontinente ng
Europa. Bilang paghahambing, magkapareho ang distansiya ng paglalakbay mula
New York,
Estados Unidos hanggang Lupangyelo at ang distansiya ng pagbibiyahe mula New York patungong
Los Angeles,
Estados Unidos. Kasinglaki ang Lupangyelo ng
Kentucky ng Estados Unidos, at pinaninirahan ng may halos 300,000 kataong naninirahan ang karamihan sa mga dalampasigan.