Ang
Hurasiko (Ingles:
Jurassic) ay isang panahong heolohiko na sumasklaw mula . Ito ay nasa pagitan ng panahong
Triassiko at
Cretaceous. Ang panahong ito ay binubuo ng gitnang panahon ng Erang Mesozoiko na kilala rin bilang
Panahon ng mga Reptilya. Ang simula ng panahong ito ay minarkahan ng isang malaking pangyayaring ekstinksiyon na Triasiko-Hurasiko. Gayunpaman, ang huli nang panahong ito ay hindi nakasaksi ng anumang malaking pangyayaring ekstinksiyon. Ang Jurassic ay ipinangalan sa Mga bundok na Jura sa loob ng Alps na Europeo kung saan ang stratang batong apog mula sa panahong ito ay unang natukoy. Sa simula ng Hurasiko, ang superkontinenteng
Pangaea ay nagsimulang maghiwalay sa dalawang mga masa ng lupain: ang
Laurasia sa hilaga at ang
Gondwana sa timog. Ito ay lumikha ng mas maraming mga baybayin at naglipat ng klimang kontinental mula sa tuyo tungo sa mahalumigmig at maraming mga tuyong disyerto ay pinalitan ng mga saganang ulang gubat. Ang mga
dinosauro ay nanaig sa lupain at umabot sa rurok nito sa panahong ito habang ang mga ito ay sumailalim sa dibersipikasyon sa iba't ibang mga pangkat. Ang unang mga
ibon ay lumitaw rin sa panahong ito na nag-
ebolb mula sa isang sangay ng mga dinosaurong
theropod. Ang mga karagatan ay tinatahanan ng mga reptilyang pang-dagat gaya ng mga
ichthyosaur at
plesiosaur samantalang ang mga
pterosauro ang nananaig na mga bertebratang lumilipad. Ang mga
mamalya ay umiral rin sa panahong ito. Gayunpaman, ang mga ito ay nasapawan ng mga
dinosauro at ang mga mamalyang ito ay bumubuo lamang sa isang maliit at hindi mahalagang bahagi ng biospero.