Ang
Hudaismo (
Kastila:
ju·da·ís·mo;
Ebreo: יהדות,
yahedut) ang
kulturang pampananampalataya ng mga
Hudyo. Isa ito sa mga kauna-unang naitalang pananampalatayang
monoteista at isa rin sa mga pinakalumang
tradisyong pampananampalatayang sinusundan pa rin hanggang sa ngayon. Ang doktrina at kasaysayan ng Hudaismo ay ang pinakamalaking bahagi ng batayan ng ibang mga pananampalatayang
Abraamiko, kasama na ang
Kristyanismo at
Islam. Sa gayon, naging isang pangunahing pwersa ang Hudaismo sa pagsasahugis ng daigdig. Ang kanilang naging simbolo ay ang
Bituin ni David; sa kasalukuyan ang kanilang simbolo ay ang isang
aranyang may pitong sanga, na tinatawag na menora.