Ang
ginaw o
kaligkig (Ingles:
cold,
coldness,
shiver,
chill) ay ang pagkakaroon ng lamig o kalagayan ng
panlalamig na kalamitang may kasama o kasabayang pangingiki, pangingikig, pangangaligkig, o pangangaliglig (pangangatog), at pati
lagnat. Nakapagdurulot ng pagkaginaw ang mga
toksin o lasong mula sa mga
mikrobyo ng karamdaman o sakit. Isang katangian ng
sakit na malarya ang pagkakaroon ng lamig na nagiging sanhi ng pangangatal o panginginig dahil sa ginaw, kalamigan o kaginawan, kaya't tinatawag din ang malarya bilang
sakit na kaligkig.