Ang
endemismo ay isang kalagayan o estadong ekolohikal na pagiging kakaiba dahil sa partikular na lokasyong heograpikal, tulad ng espesipikong isla, uri ng habitat, bansa, o iba pang depenidong lugar. Ang pagiging endemiko sa isang lugar ay ibig sabihin na nahahanap lang ito sa iisang parte ng mundo at wala nang iba. Halimbawa, maraming species ng lemur ay endemic lamang sa
Madagascar. Ang mga pisikal, klimatiko at mga biolohikal na factors abg umaapekto at puwedeng makadulot endemismo. Halimbawa, ang Orange-breasted Sunbird ay endemiko lamang sa Fynbos, ibig sabihin, ito ay nahahanap lamang sa behetasyong Fynbos sa
Timog Amerika.