Ang
Deboniyano (Ingles:
Devonian) ay isang panahong heolohiko na sumasakop mula . Ito ay ipinangalan sa Devon, Inglatera kung saan ang mga bato sa panahong ito ay unang pinag-aralan. Ang panahong ito ay dumanas ng isang malaking
radiasyong pag-aangkop ng mga buhay pang-lupain. Dahil ang mga malalaking bertebratang pang-lupaing
herbibora ay hindi pa lumilitaw, ang mga baskular na halamanng pteridophyte ay nagsimulang kumalata sa buong tuyong lupa na ng mga bumuo ng malawak na mga kagubatan na tumakip sa mga
kontinente. Sa mga gitna ng Deboniyano, ang ilang mga pangkat ng halaman ay nag-
ebolb ng mga
dahon at tunay na mga ugat at sa huli nang panahong ito, ang
may mga butong halaman ay lumitaw. Ang iba't ibang mga
arthropod na pang-lupa ay naging mahusay na nailagay. Ang
isda ay umabot sa masaganang dibersidad sa panahong ito na tumungo sa Deboniyano na tawaging
Panahon ng Isda. Ang unang
may ray na palikpik at
may lobong palikpik na
mabutong isda ay lumitaw samantalang ang mga placoderma ay nagsimulang manaig sa halos bawat alam na kapaligirang akwatiko(pang-tubig). Ang mga ninuno ng lahat ng mga
tetrapoda ay nagsimulang umangkop(adapting) sa paglakad sa lupain at ang mga malalakas na pektoral at pelbikong palikpik ng mga ito ay unti unting nag-
ebolb sa mga binti. Ang isang halimbawa ng transisyong ito ang
Tiktaalik na lumitaw sa Huling Deboniyano na isang kalaunang nagpatuloy na reliko kesa isang direktang anyong transisyonal. Sa mga karagatan, ang mga primitibong
pating ay naging mas marami kesa sa panahong
Siluriyano at huling
Ordobisiyano. Ang unang ammonita na mga
molluska ay lumitaw. Ang mga trilobite na mga tulad ng molluskang brachiopod at ang dakilang mga
coral reef ay karaniwan pa rin. Ang ekstinksiyong huling Deboniyano ay malalang umapekto sa buhay pang-dagat na pumatay sa lahat ng mga buhay pang-dagat gayundin sa lahat ng mga trilobite, maliban sa isang mga espesye ng order na Proteida. Ang paleograpiya ng panahong ito ay pinanaigan ng superkontinenteng
Gondwana sa timog, ang
kontinenteng Siberia sa hilaga at ang simulang pagkakabuo ng maliit na kontinenteng Euramerika sa pagitan.