Ang
Kaguluhan (
Sinaunang Griyego ,
khaos) ay tumutukoy sa walang anyo o katayuang walang laman na nauna sa paglikha ng
uniberso o cosmos sa mga
mito ng paglikha ng Griyego na mas espesipikong inisyal na "puwang" nanilikha ng orihinal na paghihiwalay ng langit at lupa. Ang motif ng
Chaoskampf (Aleman para sa "pakikibaka laban sa kaguluhan") ay laganap sa mga
mito ng paglikha na naglalarawan ng isang labanan ng isang kulturang bayani sa isang
halimaw na kaguluhan at kadalasang nasa hugis ng isang
ahas o
dragon. Ang parehong termino ay pinalawig sa mga parehong konsepto sa mga relihiyon ng Sinaunang Malapit na Silangan. Ang paglikha ng daigdig ayon sa mga mitolohiya ng Sinaunang Malapit na Silangan at Mitolohiyang Griyego ay nagresulta mula sa mga aksiyon ng isang
diyos o mga diyos/diyosa sa mga primebal na materya na umiiral na at kilala bilang
kaguluhan.