- Tungkol sa tekstong Kristyano ang artikulong ito. Para sa tekstong Hudyo, tingnan ang Tanakh.
Ang
Bibliya o
Biblia (ang huli ay mala-
Kastila at maka-
Griyegong pagbabaybay) ay isang kalipunan ng mga relihiyosong kasulatan na ginagamit sa
Hudaismo at
Kristiyanismo. Ang kanon ng Bibliya ay magkakaiba sa iba't ibang denominasyon. Sa
Hudaismo ang bibliya ay binubuo lamang ng 24 aklat ng
Tanakh(o Lumang Tipan) at hindi kabilang dito ang Bagong Tipan. Para sa relihiyong
Samaritanismo, ang bibliya ay binubuo lamang 5 aklat ng
Torah(Genesis, Exodo, Levitico, Deuteronomyo at Bilang). Sa
Marcionismo, ang bibliya ay binubuo ng 11 aklat at hindi kasama dito ang Lumang Tipan. Sa
Katolisismo, ang bibliya ay binubuo ng 73 aklat kasama ang
Lumang Tipan at
Bagong Tipan at ang
Apokripa. Sa
Protestantismo, ang bibliya ay binubuo ng 66 na aklat ng Luma at Bagong Tipan at hindi kasama rito ang apokripa ng Katoliko. Sa
Etiopianong Ortodokso, ang biblia ay binubuo ng 81 na aklat at sa
Silangang Ortodokso, ang bibliya ay binubuo ng 84 na aklat.