Ang
apokripa (naging kasingkahulugan ng salitang "huwad") ay mga kasulatan na hindi tiyak ang pinagmulan at kung sino ang sumulat ng mga ito. Sa teolohiyang
Hudyo-
Kristiyano, tumutukoy ito sa koleksyon ng mga kasulatang hindi kasama sa
Kanon ng
Bibliya. Dahil sa may iba't ibang panininiwala sa kung ano ang nararapat na kasama sa isang kanon, maraming bersyon ng apokripong umiiral sa iba't ibang denominasyon pangpananampalataya.
Apokripo ang taguri sa 14 pang mga aklat na bukod sa mga nasa
Lumang Tipan at
Bagong Tipan ng Bibliya, na tinatawag ding
inter-testament sa Ingles (inter-testamento, o nasa pagitan ng mga Tipan o Testamento) sapagkat nalalagay ang mga ito
sa pagitan o
nasa gitna ng Lumang Tipan at ng Bagong Tipan ayon sa pagkakahanay na kronolohikal o pangkapanahunan. Sa mga panapanahon, magkakaiba ang pagtanggap ng mga Kristiyano sa bahaging ito ng Bibliya.