Ang isang
karpintero,
alwagi,
anluagi o
anluwagi (Ingles:
carpenter) ay isang bihasang artesano na nagkakarpintero - isang malawak na sakop sa paggawa sa kahoy (
woodworking) na kinabibilangan ng pagsasagawa ng mga
gusali, kasangkapan, at ibang pang bagay na yari sa
kahoy. Kinasasangkutan ang trabahong ito ng paggawang manwal at pagtrabaho sa labas, partikular na ang magaspang na pagkakarpintero. Tinatawag na
anluwagihan,
karpenteriya o
karpenterya (Ingles:
carpentry o
joiner's workshop) ang gawaan ng mga karpintero., bagaman ang katumbas nito sa wikang Kastila (Kastila:
carpinteria; Ingles:
joinery at
capentry) ay nangangahulugan din na sining at larangan ng pag-aanluwagi.