Ang
pagkaing-dagat (Ingles:
seafood) ay ang anumang pagkaing nanggagaling sa
karagatan, katulad ng mga
isda o kabibing dagat (kabilang ang mga
moluska at
krustasyano), na maaaring kainin ng tao. Kabilang sa mga ito ang anumang
hayop sa
dagat o
halamang pangtubig o akwatiko na naihahain bilang pagkain. Bilang karugtong o pagpapalawig ng sakop ng kahulugan ng salita, ginagamit din itong pantawag para sa mga katulad na hayop mula sa tubig-tabang at lahat ng mga nakakaing akwatikong hayop. Kabilang din sa mga pagkaing-dagat ang nakakaing
gulaman at mga gulay-dagat, na malawakang kinakain sa buong mundo, natatangi na sa
Asya. Mayaman sa
protina ang mga pagkaing-dagat, at karaniwang itinuturing na pangkaing nakapagpapalusog. Tinatawag na pangingisda ang pag-aani ng mga pagkaing-dagat, samantalang tinatawag namang
akwakultura o marikultura ang pag-aalaga at pag-aani ng mga pagkaing-dagat. Sa kaso ng mga isda, tinatawag ang pag-aalaga ng mga ito bilang pamamalaisdaan.