Ang
kompuwestong kimikal o
chemical compound ay isang kemikal na sustansiya na binuo mula sa dalawa o higit pang
elementong kimikal, na may tiyak na proporsyon na nagtatakda sa kayarian nito at pinagsasama sa isang inilarawang kaayusang pang-espasyo ng mga
kawing kimikal . Halimbawa, ang
tubig (
H2O) ay isang kompuwesto na binubuo ng dalawang atomo ng
idroheno sa bawat isang atomo ng
oksiheno. Sa pangkahalatan, ang tiyak na rasyon (
ratio) na ito ay dapat na manatiling matatag dahil sa katangiang pisikal at hindi dahil sa arbitraryong pag-aayos ng tao. Ito ang dahilan kung bakit ang ang mga materyal na gaya ng
tanso, ang superkonduktor na YBCO, ang
semikonduktor na
aluminum galium arsenide o
tsokolate ay itinuturing na mga
mixture o
alloy at hindi kompuwesto.