- Huwag itong ikalito sa beterano.
Ang
beterinaryo (
Ingles:
veterinarian sa
Estados Unidos,
veterinary surgeon o
siruhanong beterinaryo sa
Nagkakaisang Kaharian) ay isang manggagamot ng mga hayop at dalubhasa sa larangang ng
panggagamot ng mga hayop o
beterinarya. Nagbuhat ang salitang beterinaryo mula sa Ingles na
veterinarian at Kastilang
veterinario na kapwa kinuha naman mula sa
Lating
veterinae, na may ibig sabihing "mga hayop na humihila ng kargada." Sa
Pranses, kilala ito bilang mga
vétérinaire. Unang ginamit ni Thomas Browne sa palimbag na paraan ang salitang
veterinarian noong
1646.