Ang
Hejaz,
Al-Hejaz,
Hiyaz, o
Hijaz ( , literal na "ang harang") ay isang rehiyon sa kanluran ng pangkasalukuyang
Saudi Arabia. Pangunahing nakahubog sa pamamagitan ng kanlurang hangganan nitong nasa
Dagat na Pula, umaabot ito magmula sa
Haql na nasa Tangway ng Aqaba hanggang sa mga hangganan ng Asir. Ang pangunahing lungsod nito ay ang
Jeddah, subalit marahil ito ay mas nakikilala dahil sa mga
pang-Islam na mga banal na lungsod ng
Mecca at
Medina. Bilang pook ng mga banal na lugar ng Islam, ang Hejaz ay mayroong kahalagan sa mga
Arabo at
Islamikong tanawing pampulitiko at pangkasaysayan. Ang rehiyon ay tinatawag sa ganitong kapangalan dahil ihinihiwalay nito ang lupain ng
Najd na nasa silangan magmula sa lupain ng Tihamah na nasa kanluran.